MGA SERBISYO NG DIGITAL SECURITY HELPLINE
Ipinapakita sa ibabang listahan ang mga pinaka-karaniwang tema kung saan tutulungan ng Digital Security Helpline ang mga taong nangangailangan sa buong mundo. Kung sakaling ang mga pangangailangan sa digital na seguridad ay hindi nakalista dito, hinihikayat namin ang aming mga benepisyaryo at tagapamagitan na ipagpatuloy ang pagsangguni sa amin, dahil maaari pa rin kaming makatulong.
Pagmomodelo ng Banta at Pagtatasa ng Panganib
- Mga Konsultasyon sa Digital na Seguridad
Ang Helpline ay gagabayan ang mga benepisyaryo sa kanilang indibidwal na katayuan sa peligro, kaalinsabay sa pagpapauna ng kanilang mga pangangailangan sa digital na seguridad. - Suporta sa Seguridad pang-Organisasyon
Tutulungan ng Helpline ang mga organisasyon na unahin ang kanilang mga pangangailangan sa digital na seguridad at lumikha ng plano upang mapagbuti ang kanilang pamantayan dito. - Payo sa Ligtas na Paglalakbay
Tutulungan ng Helpline ang mga benepisyaryo sa paglikha ng isang madaling-tandaan na takda ng panuntunan, na magtataas ng kanilang pisikal at online na seguridad habang naglalakbay.
Ligtas na Komunikasyon
- Seguridad sa Email
Papayuhan ng Helpline ang mga benepisyaryo sa mga hamon ng komunikasyon sa email at irerekumenda ang mga pinaka-angkop na kagamitan upang protektahan ang kanilang mga palitan ng email. - Seguridad sa Instant Messaging
Ang Helpline ay maaaring magrekomenda ng mga estratehiya upang matiyak na ligtas, kumpidensyal ang komunikasyon sa instant messaging kalakip ng mga kagamitan na pinakaangkop para sa mga pangangailangan ng gumagamit. - Seguridad sa Mobile Device
Ang Helpline ay maaaring magbigay sa mga gumagamit ng mobile device ng mga rekomendasyon sa mga pinakamahusay na kasanayan upang mas maging ligtas ang mga ito. - Seguridad sa Voice / Video Call
Ang aming pangkat ay maaaring magmungkahi ng mga estratehiya at mapagkukunan ng kabatiran upang mabawasan ang panganib ng paniniktik habang gumagawa ng mga direktang tawag sa Internet.
Seguridad sa File Storage
- Imbakan ng Sensitibong Impormasyon
Ang Helpline ay maaaring gabayan ang mga benepisyaryo sa mga kagamitan at statehiya upang protektahan ang mga sensitibong file sa kanilang mga aparato. - Ligtas na Pagbubura
Kung ang sensitibong datos ay kailangang ligtas na burahin, ang Helpline ay makakatulong sa mga benepisyaryo kung paano ligtas na alisin ang datos sa mga aparato upang hindi na muling maibalik. - Mga estratehiya sa pag-backup ng mga datos
Kung para sa personal na impormasyon o para sa mga pag-aari ng organisasyon, ang Helpline ay makakatulong sa mga benepisyaryo na tukuyin ang mga kagamitan at magtakda ng mga pamamaraan upang ligtas na mai-back up ang kanilang mga digital na impormasyon.
Mga Vulnerability at Malware
- Mga Vulnerability
Kung ang kahinaan ng system ay lumitaw, ang Helpline ay maaaring gabayan ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng tamang mga hakbang sa pag-sasaayos, kung kinakailangan, responsable na pagsisiwalat. - Pag-iwas sa Malware
Ang Helpline ay maaaring magmungkahi ng pinaka angkop na mga kagamitan at stratehiya upang maprotektahan ang mga aparato mula sa nakakahamak na software. - Phishing / Malware Triage at Containment
Ang Helpline ay maaaring tumulong sa pagsusuri ng mga kahina-hinalang email at mga kalakip nito. Kung ang mga nakakahamak na programa ay natuklasan sa mga nasuring aparato, ang Helpline ay magbibigay ng tulong sa pagkontina ng impeksyon at pagpapanumbalik ng kontrol ng mga aparato.
Seguridad ng Pagpapatunay
- Paglikha at Pamamahala ng Password
Magbibigay ang Helpline ng mga tagubilin sa mga pamamaraan at kagamitan na madaling sundan upang lumikha at mag-imbak ng mga matitibay na password. - Maramihang-salik na Pagpapatunay
Ang Helpline ay maaaring makatulong sa pag-iimplementa ng maramihang-salik na pagpapatunay para sa mga account sa mga social networking website at mga serbisyo sa web.
Pagba-browse sa Web
- Ligtas na Pag-browse
Maaaring magrekomenda ang pangkat ng Helpline nang pinakamahusay na kasanayan at mga kagamitan upang ma-browse ang internet nang ligtas.
Seguridad ng Social Media
- Pagkapribado at Seguridad ng Social Media
Magbibigay ang Helpline ng gabay sa mga pinakamahusay na kasanayan para sa paggamit ng mga platform sa social networking at iba pang mga serbisyo sa web, kabilang ang mga pahintulot, pagpapatunay ng dalawang-salik, at higit pa. - Pagbawi ng Account
Kapag ang isang indibidwal ay nawalan ng kontrol sa isa sa kanilang mga web account, ang Helpline ay makikipagtulungan sa kanila upang siyasatin kung ano ang nangyari at gabayan sila sa mga kinakailangang hakbang upang ituloy ang pagbawi ng kanilang account.
Pagkawalang Kilanlan at Sensura
- Pagkawalang Kilanlan
Magbibigay ang pangkat ng Helpline ng impormasyon at mga tagubilin sa iba’t ibang pamamaraan at stratehiya upang mag-browse sa internet at makipag-ugnay nang walang pagkakilanlan. - Pag-iwas sa sensura
Magbibigay ang Helpline ng impormasyon tungkol sa mga teknolohiya at solusyon na magagamit upang maiiwasan ang sensura sa internet, lalo na kapag ipinatupad nang opisyal o sa pamamagitan ng mga nakakahamak na pamamaraan, at mayroong kaugnayan sa halalan. - Mga Pagsasara
Ang Helpline ay maaaring makatulong sa paghahanda para sa isang pagsara sa internet, lalo na sa patungkol sa mga halalan, pati na rin sa pagkilala sa mga potensyal na solusyon kapag nagkaroon ng blackout. - Pag-iwas at aksyon sa mga DDoS Attack
Ang Helpline ay maaaring makatulong sa mga benepisyaryo sa pag-iimplementa ng mga solusyon upang maprotektahan ang kanilang mga website mula sa DDoS. Kung ang isang pag-atake ng DDoS ay nagsimula na, ang Helpline ay maaaring makatulong sa pagkontina nito kasama ang mga pinagkakatiwalaang kasosyo. - Pag-uulat ng mga Pekeng Domain
Kung ang isang website ay ginagaya sa pamamagitan ng isang pekeng domain, ang Helpline ay maaaring makipagtulungan sa apektadong indibidwal o organisasyon upang mag-ulat at huwag paganahin ang gumagaya/nagpapaggap na domain at imprastraktura.
Ihinahatid sa inyo ng Access Now Digital Security Clinic ang Helpline
Nag-aalok ang mga kawani ng Helpline ng mga Digital Security Clinic kahanay ng mga kumperensya ng sibil sa lipunan, mga pagtitipon ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, at iba pang mga kaganapan na naayon para sa mga napepeligro. Ang mga klinika ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga dadalo upang ilapit ang mga isyu at mga alalahanin tungkol sa kanilang digital na kagalingan, at makatanggap ng tulong ng dalubhasa sa paglutas ng anumang mga problema na maaaring mayroon sila.